Barkada…Kaibigan
March 17, 2007
Gaya ng karaniwan,nagkakatipon na naman ang barkada nina Raul ng hapong iyon.At tulad din ng dati,si Jun ang tampulan ng kanilang pagkakantiyawan:"Ano ba Jun? Talaga bang hindi ka sasama sa amin?" May himig na hinanakit na tanong ng isang kasama sa barkada."Nakikisama naman ako sa inyo Raul a!" ang sagot ni Jun. "KOw,’wag mo nang pilitin si Jun, Raul! Alam mo namang hanggang ngayon e natatakpan pa ‘yan ng saya ng nanay niya!" ang sahod ni Dante. "Oo nga naman," ang sangayon pa ng isa."Hindi n’yo ba alam na binubugawan pa iyan ng lamok sa pagtulog ng nanay niya?" "Aba’baka dumidede ka pa rin hanggang ngayon, ha Jun?Ha-ha-ha!" Biglang nagmala-saga ang mukha ni Jun. Nakangiti siya,pero halata ang kanyang pagdaramdam.Subalit sanay si Jun sa gayong panunudyo ng kanyang mga kaibigan. Alam niya,hindi siya hinihiya ng mga ito,dangan nga lamang at parang tinitikis siya ng pagkakataon.Aayaw niyang masira ang maliit na kadahilanan ang pagkakaibigan nila.Sa mula’t mula pa’y maganda na ang pagtuturingan nilang magkakasama.Buhat sa kanilang kamusmusan hanggang sa hayskul noon sila’y nag-aaral pa, at ngayong mga binata na sila’t may kani-kaniyang nang trabaho. mabibihira na nga ang katulad nilang tatlo sa pagsasamahan.Dati’y lagi silang magkakasama sa mag lakaran.Walang bagay na hindi nila pinagkasunduan at ni minsan ay hindi sial nagkakaroon ng anumang gusot na magkakaibigan.Ang bagay naito’y parang hindi na matatapos,hanggang sa makilala nina Raul at Dante ang barkada ni Bart.Simula noon, nabago ang samahan nilang magkakaibigan. Ang pagsama-sama nina Raul at Dante sa pangkat ni Bart ay lihim na ipinagdaramdam ni Jun.Hindi dahil sa pagkakahiwalay nilang tatlo sa mga lakaran,kundi sa dahilang nasisira ang pagkatao nina Dante at Raul sa unti-unting pagkalulong sa bisyo.Si Bart at ang kanyang mga barkada ay nakapagturo sa dalawa ng masasamang bisyo na gaya ng paginom ng ng alak, pagsusus\gal at pagpapalipas ng panahon sa mga bahay aliwan.At sukdulan sa lahat ,na ngayo’y ikinatatakot ni Jun,sina Dante at Raul ay gumagamit na rin ng bawal na gamot. "Sandali lang mga kasama!"ang sigaw ni Raul. Nahinto ang tawanan at napako ang lahat sa kanya.Maging si Jun ay napukaw rin sa kanyang lihim na pag-iisip."Ano bang talaga ang dahilan at ayaw mong sumama sa amin,ha Jun?"ang walang gatol na tanong ni Raul."Hindi ka naman dating ganyan!" Ang paningin ng lahat ay nabaling kay Jun.Nanuyo ang kanyang lalamunan sa mga matang iyon na parang nakatitig sa isang salarin. Sinupil niya ang namumuong takot sa kanyang dibdib. "Totoo ang sinabi mo, Raul.Pero alam mo rin ang dahilan ng hindi ko pagsang-ayon.Alam kong hindi maganda ang mangyayari sa inyong pupuntahan.lalong alam ko na ang inyong mga ginagawa ron ay hindi makabubuti sa inyo at sa ating lahat." "Masama ba naman ang magsaya ng kaunti at…" At ang uminom ng droga…ganon ba?" ang sahod ni Jun. Napipi si Raul,parang isang abogadong nasukol at hindi makapagtanggol ng sarili sa harap ng hukuman.Natahimik ang lahat.Ang katotohanan na sinabi Jun ay tumulig sa kanilang pandinig. "Raul."patuloy ni Jun."Magkaibigan tayo.at ikaw man Dante. Mulat sapul ay kilala nyo na ako. Wala tayong pinagsamahang masama,at hindi ko magagawang hangarin na kayo’y mapasama.Nakikiusap ako sa inyong dalawa! Iwasan n’yo na ang pagsama kina Bart. Bigla ang silakbo ng galit ni Bart,nagaapoy na sumugod kay Jun, at…"Aba’t sira ka pala e! Bakit ako’y idaramay mo sa usapan nyo?Baka dinidibdiban kita’y matauhan ka ngayon!" "Huwag pare!" ang agap ni Raul! "Akin ‘to pare,’yaan mo’t ak na ang bahala rito." "Pare ayusin mo yan ha. KUndi lamang sayo’y baka….!"At sumuntok sa kanyang palad na animoy naghahandang makipagsuntukan. Pero buo ang loob ni Jun. Hindi siya naduro ng panggulat ni Bart. "Huwag mo akong takutin,Bart! Kung kaya mong manuntok kaya ko rin iyon! Subali’t hindi mo ako mapaipigil sa anumang gusto kng sasabihin! Bakit?Hindi ba ikaw ang nagtuturo sa kanila ng pagdudurog? "Aaa…ganon ha? Kakasa ka pala! Eto ang kasahan mo!" At parang kisapmatang kumislap ang isang patalim sa kamay ni Bart. Kasimbilis ng mga pangyayaring naganap, ang unang unday ng saksak ni Bart ay nailagan ni Jun, ngunit sinamang palad siyang masapol sa ikalawa. Kasunod iyon ay bumagsak ng duguan si Jun, at si BArt ay may pagkasindak na napaatras ,hawk sa kamay ang natina sa dugong patalim! Sa malaking takot ay sumibad ng takbo si Bart, kasunod ang kanyang mga kasama. At ang nabiglang sina Dante at Raul ay natitilihang napako sa tayo. Umungol si JUn. Naging hudyat sa kanila upang kumilos. "Dalii…tumawag ka ng sasakayan!" ang atas ni Raul,habang saklot niya si Jun. Kagyat na kumilos si Dante. Ilang saglit pa , ang kanilang sasakyan ay mabilis na tumatakbo sa gitna ng kakapalan ng mga sasakyan sa daan.Kalong nina Dante at Raul ang halos wala ng buhay si Jun. Nasa labas ng operating room sina Raul. Kapuwa sila balisa at nanabik sa paghihintay. Mag-iisang oras na silang naroroon at gayun din silang walang imikan ni Dante. Hindi magkaiba ang gumugulo sa isipan nilang dalawa ng mga sandaling iyon. Kapag namaty si Jun, hindi maiiwasang dalhin nila iyon sa kanilang budhi. Ang ugat ng lahat na naganap ay maliwanag sa kanila. Kung nakinig lamang sila sa pagpapaalala ni JUn sa kanila, mula pa ng makilala nila ang pang kat ni Bart, hindi sana humantong sa ganito ang lahat! Kawawang Jun! Ito ang ibinunga ng pagmamalasakit niya sa kapakanan ng mga kaibigan….ang mabingit siya sa kamatayan! Panbay halos na nagkatinginan sila sa isa’t-isa. Iisang larawan ang kapwa nila nabakas sa kanilang guni-guni.Pareho silang hangal, na hindi nagpapahalaga sa pagmamahal ng isang kaibigan. Ngayon ay nanganganib pang mamatay si Jun,ang tunay nilang kaibigan,na ipinagpalit sa barkandang puro kasalanan ang naituro sa kanila. Ano nga ba natutuhan nila ka y Bart? Wala, kundi ang ang pag inom ng alak ,ang maglimayon kung saan-saan at gumawa ng mga kaguluhan sa mga kapwa tao. At waring kulang pa ang ganito ay natutunan din nila ang uminom ng iba’t-ibang uri ng droga, ang mga gamot na sanhi ng hindi pagsama ni Jun sa kanila. Aah! Hindi lamang pala sila mga hangal! Tama si Jun at sila ang mali! Sila ang mga isip bata , hindi si Jun na malimit nilang pag ukulan ng ganitong bansag. Masahol pa sila sa mga batang paslit na hindi naking sa mga payo at pagpapaalala ni Jun. Ang masama pa ay naging bulag sila sa mga kasamaang ginagawa ng barkada ni Bart, ang pagkakalat ng mga ipinagbabawal na gamot na alam nilang labag sa batas. Ngayon ay maliwanag na sa kanilang lahat. Wala silang mahihita sa kanilang mga pakikisama sa barkada bni Bart. Wala ng sasarap pa sa magagandang samahan nilang tatlo at iyon ang sisikapin nilang maibabalik sa kanila. Ang barkada ay mainam ,kung tapat at mabuti ang iyong mga kaibigan, nguni’t kung masama, kasamaan ang sa iyo’y aagapay. Isqang taimtim na dalangin umalpas sa kanilang dibdi. Sana’y huwag mamatay si Jun! Upang muli silang magkakasama,maging isang barkada silang ang layunin ay iisa: ang magpanuto at hindi magwasak ng kasama. Iniluwa ng bumukas na pinto ang pagod na anyo ng manggagamot. Pahangos na sinalubong siya nina Raul at dante. "Kumusta ang pasyente, doktor?" ang halos magkasabay na usisa ng dalawa. "Aano ho ang lagay….?" Waring nabigla , hindi agad nakasagot ang doktor. May pagkamanghang tinitigan ito makha ang dalawa. " Ano ba ang relasyon ninyong dalawa sa kanya??" "Kaibigan ho!" magkasabay na sagot ng dalawa. Bakit ho doktor? Mmay masama ho , bang nagyari ? ang habol ni Raul na lipos ng pag aalala. Ha? A-e wala …wala naman.ang paikling napapangiti . "Masyado lang kasing msidhi ang pag-aalalang nababasa ko sa inyong mukha. ‘Ika ko’y maaring kapatid ang isa sa inyo! Humm, kaibigan pala kayo! Masuwerte siya sa pagkakaroon ng mga kaibigan gaya niyo." At tatalikod na sana ang doktor nang…. "Este doktor! Iyon hong tanong namin sa inyo , hindi pa ninyo sinagot!" "A, oo nga pala! Ang sabi ko’y masuerte ang kaibigan ninyo, pagkat mabubuhay pa siya…. nagng matagal! Pwede nyo na siyang kausapin maya-maya." Hindi na nakita ng doktor ang kasiyahang gumuhit sa mukha ng dalawa . Parang apoy na binuhusan ng tubig ang mga pangamba. Bago sila pumasok sa silid ni Jun ay nag-usap sila. paano ba ito pare? Hindi ba nakakahiya sa kanya?" ang sibi ni Raul. "Huh !iyan din sana ang sasabihin ko sa iyo e! Ang inaalala koy baka galit siya sa atin!" "Oo nga ano ? ‘wag na kaya tayong tumuloy!" Sabay na napakislot ang dalawa sa pagbukas ng pinto sa kanilang harapan.Isang nars ang nagbukas niyon at pagkakita sa kanila ay parang inaasahan na nitong naroroon sila.Ngumiti ito sa dalawa pagdaka at…."Kung anuman daw ang pinaguusapan ninyong dalawa riyan ay sa loob na ng room ninyo ituloy, sabi ni Jun.Hindi nakahuma ang magkaibigan,nagkatinginan na lamang sila at pagkuway nag-uunahang pumasok sa pintuan."Ay!"ang sabi ng nars na nagulat sa ginawa ng nila.Nakahiga si Jun sa kama,ngunit gising siya at kitang-kita niya ang ginawang pagpasok ng dalawa.Sa dalawa naman ay kagyat na nawala ang pagtatawanan, sabay huminto sa poanan ng kama ni Jun at napako na roon.Sumunoid doon ang saglit na katahimikan .Nagkatitigan silang tatlo ,walang imikan at waring nagtatawanan ng niloloob sa isat-isa ng mga sandaling iyon, ang nars na nakatayo sa may pinto ay nagtatakang napatingin sa kanila at lalong napatanga ang nars nang bigla na lamang sumambulat ang tawanan ng tatlo na pumunp sa loob ng silid na iyon,sa inis na hindi makatiis na nars ay bubulong-bulon na lumabas ito ng silid.At naiwan ang tatlong nagkakatuwaan.
Entry Filed under: Religion. .
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed