INA
May 23, 2007
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan.Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matandang tulad ko. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi
mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga kasi ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at
paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo’yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagtiyagan mo rin sana ang kakulitan ko.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda na, amoy lupa’ika nga. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo dahil amoy panis na keso ka na.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong laruan.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal sa mundong ito.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag ! kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil kahit papano naging mapagmahal ka sa iyong mga magulang…
TO all .,,,
mga kapatid mahal natin ang ating mga magulang…
Entry Filed under: heart of mothers. .
1 Comment Add your own
Leave a comment
Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Trackback this post | Subscribe to the comments via RSS Feed
1. cAdIz wHalEs | December 12th, 2007 at 4:42 am
comment naman jan mga perpz